|
Sabtang National School of Fisheries
Awit Pampaaralan
Paaralan ng pangingisda
Minamahal naming lahat
Puso't buhay iaalay ko
Sa hangaring mapagyaman
Karunungan ikabubuhay
Ng lahi natin at bayan
Kaya't sikapin na matutuhan
Mga aralin at gawaing panghanapbuhay
Kaya't kamag-aral ating sigasigin
Matutuhan ang mga gawain
Sa pangingisda at nang umuunlad itong bayan natin
Halina't iwagayway
Ang bandila ng tagumpay
Upang maialay sa paaralang minamahal
Kaya't paunlarin, pagyamanin banal na layunin
Na laging una, at laging tanyag
Paaralan mahal natin
|